BERSYONG TAGALOG
This has an English version at the bottom of the page.
- Ano ang PKMNph?
- Pokémon Animé - Sitwasyon sa Pilipinas
- Pokémon Trading Card Game - Sitwasyon sa Pilipinas
- Pokémon Merchandise - Sitwasyon sa Pilipinas
- Paano sumali sa PKMNph forums?
- Paano sumali sa mga PKMNph conference?
- Paano ako makikipaglaban sa ibang mga Pilipino sa Pokemon D/P?
- Paano ako makakapamahagi ng balita?
- Opisyal na holiday ng Pokémon Philippines
- Opisyal na mga wika ng Pokémon Philippines
Ang PKMNph, na mas kilala sa pangalang Pokémon Philippines, ay nagsimula bilang isang Yahoo!Group noong Abril 2, 2006. Itinatag ito para sa magkaroon ng isang natatanging lugar na para lamang sa mga Filipino Pokémon fans. Dito'y maaaring makipag-usap at makapamahagi ng mga ideya ang mga panatiko sa isa't-isa. Noong Mayo 5, 2006, ilang araw bago ang pagbabalik ng Pokémon's animé sa Pilipinas, isinalang ang pinakaunang websayt ng PKMNph.
Dito sa websayt ng PKMNph ilinagay ang forums na kauna-unahang ipinasakatuparan ng Proboards. Ang forums ay naging matagumpay at nailipat noon sa http://forums.pkmnph.com. Mula sa isang grupo na binubuo ng sampung miyembro, ang forums ay unti-unting lumawak, isang patunay na ang PKMNph ay naging isang portal ng mga Pilipinong panatiko ng Pokémon.
Katulad ng ibang mga grupo, ang PKMNph ay nagkaroon at patuloy na magkakaroon ng mga paghihirap at ang pinakamadugong dinanas ng grupo ay naganap noong Enero 14, 2007 nang masira ang server ng PKMNph. Kasama na rin dito ang pag-expire ng aming account sa lumang tagapangasiwa ng websayt at napilitan kaming lumipat sa ibang host dahil ayaw ng kumpanya sa Luxembourg na baguhin namin ang aming account. Ito ang isa sa mga pinakamahirap na mga panahon na dinaranas ng PKMNph dahil kinailangang simulan muli sa umpisa ang lahat. Nagkaroon kami ng temporaryong websayt sa Forumer, ngunit lumipat na rin sa HostingPH, isang kumpanya sa Pilipinas, para maging malaya mula sa mga libreng pakulo ng ibang kumpanya. Kinailangan ng parehong sipag at tiyaga para ibangon muli ang PKMNph sa kung ano ito sa kasalukuyan. Ngayon, nananatili pa ring bumubuti ang kalagayan ng websayt habang lumilipas ang mga oras.
Ngayong kilala na kami sa pangalang PKMN-ph, ang websayt ay may bagong domain, bagong mukha at ipinapatakbo ng bagong pamahalaan. Nandito pa rin kami kahit may mga malalaking dagok dahil nais pa rin ng mga Pilipinong panatiko ng Pokémon na tumambay rito at panatilihin ang apoy ng Pokémon na buhay sa bansang Pilipinas. Ito ang PKMN-ph, ang resulta ng rebolusyong PKMNph, pinagkakaisa ang mga Pilipinong panatiko ng Pokémon sa buong mundo.
Ang Sitwasyon ng Pokémon sa Pilpinas
1. Pokémon Animé
Sa kasalukuyan, ang serye ng Pokémon animé ay ipinapalabas sa dalawang stasyon ng telebisyon sa bansa, ang GMA7 at ang Cartoon Network.
- GMA 7: Lunes hanggang Biyernes (9:00 AM)
- Cartoon Network: Lunes hanggang Biyernes (8 AM, 2 PM, 7:30 PM)
2. Pokémon TCG/TFG
Ang mga turnamento, liga at pangyayari na ukol sa Pokémon Trading Card at Figure Game ay isinasagawa ng opisyal na tagapamahagi ng mga kard sa buong bansa, ang Neutral Grounds.
3. Pokémon Merchandise
Ang mga nakalistang mga tindahan ay nagbebenta ng iilang mga Pokémon merchandise, mula sa mga kard, hanggang sa mga statwa, mga manika, mga damit at mga poster.
- Neutral Grounds, Toy Kingdom, Toys R' Us, Gift Factory, Kids' Station, Filbar's, Comic Alley, Courtside
Anong pwedeng gawin sa PKMNph?
1. Forums
Makipagtalakayan sa mga kapwa Filipino Pokemon fans sa aming forum. Bumisita lamang sa http://forums.pkmn-ph.com, gumawa ng sariling account at pwede ka nang magsimula ng mga talakayan ukol sa Pokémon.
2. Usapang PKMNph
May mga usapan na ginaganap sa Yahoo! Messenger na naka-schedule sa mga araw ng linggo na nakapaskil sa kaliwang bahagi ng websayt. Idagdag lang ang pkmnph sa listahan mo sa Y!M at pwede mo na kaming kausapin kung naka-online ang aming account.
3. Labanan sa Wi-fi
Sa kasalukuyan, ang proyektong ito ay isinasagaawa pa lamang. Ang mga miyembro ng websayt ay maaaring makipag-labanan at maki-pagtrade sa kapwa Pilipino na manlalaro ng Pokemon D/P. Pumunta lamang sa mga thread ng forums para malaman ang ibang mga detalye!
4. Magbigay Alam
Kung gusto mong magbigay ng mga sinulat mong artikulo at balita, maaari mo silang i-send sa pkmnph@gmail.com at pakisabi sa mga rangers na may ipinamahagi kang balita para maipaskil ito sa harapan ng websayt.
Opisyal na mga Holiday ng PKMNph:
April 2 - Araw ng Pagtatag sa PKMNph
May 5 - Anibersaryo ng Websayt
May 15 - Araw ng Gitling
July 29 - Araw ng Unang Pagkikita
August 28 - Araw ni Satoshi Tajiri
**hindi nakasaad ngunit kasama ang mga Pambansang Holiday ng Pilipinas
Opisyal na Wika ng PKMNph:
Karaniwang ginagamit ang Tagalog at Ingles sa forums ngunit may mga ibang miyembro na gumagamit ng mga iba't-ibang diyalekto ng Pilipinas.
ENGLISH VERSION
- What is PKMNph?
- Pokémon Animé - Philippine Setting
- Pokémon Trading Card Game - Philippine Setting
- Pokémon Merchandise - Philippine Setting
- How do I join the PKMNph forums?
- How can I join Weekly Chat Sessions?
- How can I battle other Filipinos in Pokemon D/P?
- How do I contribute news?
- Official holidays of Pokémon Philippines
- Official languages of Pokémon Philippines
PKMNph, which was more commonly known as Pokémon Philippines, started as a Yahoo!Group last April 2, 2006. It was born so that Filipino Pokémon fans have a special place in the web to interact and share their thoughts with each other. On May 5, 2006, a few days before Pokémon's animé comeback here in the Philippines, the first PKMNph website was born.
The PKMNph website housed the PKMNph forum, originally hosted by Proboards. The forums had become very successful and was then moved to http://forums.pkmnph.com. From a small group of about 10 members, the forums has since continued to grow, a proof that PKMNph has become a Filipino Pokémon fan portal.
Like any other group, PKMNph had, and continues to have, hard times, and the most challenging of these happened last January 14, 2007 when PKMNph's server broke down. Also, our time with our old host has expired and we were forced to move to another one due to the refusal of our host in Luxembourg to renew our domain. These were some of the hardest times for PKMNph since almost everything needed to start back from scratch. We had a temporary stay at Forumer, but eventually moved to a new server hosted by HostingPH, a Philippine company, to seek independence on free website offers. It took both a lot of effort to put PKMNph back to how it is today, and it still continues to improve as time goes by.
Now known as PKMN-ph, the site has a new domain, new look and is under new management. It is still here despite the great downs because there are Filipino Pokémon fans that are willing to spend their time and effort to keep the Pokémon flame alive here in the Philippines. This is PKMN-ph, the revolutionized PKMNph, uniting Filipino Pokémon fans around the world.
The Philippine Pokémon Scene
1. Pokémon Animé
Currently, the Pokémon animé series is being aired in two TV stations in the country, GMA7 and Cartoon Network.
- GMA 7: Mondays 'til Fridays (9:00 AM)
- Cartoon Network: Mondays 'til Fridays (8 AM, 2 PM, 7:30 PM)
2. Pokémon TCG/TFG
The Pokémon Trading Card and Figure Game tournaments, leagues and events here are hosted by the official distributor of cards in the country, Neutral Grounds
3. Pokémon Merchandise
The following stores sell some Pokémon merchandise, from cards to figurines, dolls, shirts, and posters.
- Neutral Grounds, Toy Kingdom, Toys R' Us, Gift Factory, Kids' Station, Filbar's, Comic Alley, Courtside
What to do in PKMNph?
1. Forums
Discuss with your fellow Filipino Pokemon fans in our forum. Just visit http://forums.pkmn-ph.com and register.
2. Weekly Chats
These are conferences in Yahoo! Messenger scheduled on specific dates of the week posted on the left side of the website. Just add pkmnph in your Y!M list and you can already talk to us if the account is online.
3. Wifi Battle
Currently, this project is still in progress. Members of the site can battle other Filipino Pokemon D/P players. Just go to the threads in the forums and know more!
4. Contribute News
If you'd like to contribute articles to our news, you may do so by sending them to pkmnph@gmail.com and informing us that you have sent a message.
Official Holidays of PKMNph:
April 2 - PKMNph Foundation Day
May 5 - Website Anniversary
May 15 - Dash Day
July 29 - First Meet Day
August 28 - Satoshi Tajiri's Day
**not cited but included are Philippine National Holidays
Official Languages of the Forums:
These are Tagalog and English but some members speak other dialects of the Philippines.

