PKMN-ph Home >> Tungkol sa PKMN-ph.com


Tungkol sa PKMN-ph.com

PKMN-ph Through the Years

pkmnphkasaysayan1


BERSYONG TAGALOG

This has an English version. Just click on the link.

  • Ano ang PKMNph?
  • Pokemon Anime – Sitwasyon sa Pilipinas
  • Pokemon Trading Card Game – Sitwasyon sa Pilipinas
  • Pokemon Merchandise – Sitwasyon sa Pilipinas
  • Paano sumali sa PKMNph forums?
  • Paano sumali sa mga PKMNph Conference?
  • Paano ako makikipaglaban sa ibang mga Pilipino sa Pokemon D/P?
  • Paano ako makakapamahagi ng balita?
  • Opisyal na holiday ng Pokemon Philippines
  • Opisyal na mga wika ng Pokemon Philippines

Ano ang PKMNph?

Ang PKMNph, na mas kilala sa pangalang Pokemon Philippines, ay nagsimula bilang isang Yahoo!Group noong Abril 2, 2006. Itinatag ito para sa magkaroon ng isang natatanging lugar na para lamang sa mga Filipino Pokemon fans. Dito’y maaaring makipag-usap at makapamahagi ng mga ideya ang mga panatiko sa isa’t-isa. Noong Mayo 5, 2006, ilang araw bago ang pagbabalik ng Pokemon’s anime sa Pilipinas, isinalang ang pinakaunang websayt ng PKMNph.

Dito sa websayt ng PKMNph ilinagay ang forums na kauna-unahang ipinasakatuparan ng Proboards. Ang forums ay naging matagumpay at nailipat noon sa http://forums.pkmnph.com. Mula sa isang grupo na binubuo ng sampung miyembro, ang forums ay unti-unting lumawak, isang patunay na ang PKMNph ay naging isang portal ng mga Pilipinong panatiko ng Pokemon.

Katulad ng ibang mga grupo, ang PKMNph ay nagkaroon at patuloy na magkakaroon ng mga paghihirap at ang pinakamadugong dinanas ng grupo ay naganap noong Enero 14, 2007 nang masira ang server ng PKMNph. Kasama na rin dito ang pag-expire ng aming account sa lumang tagapangasiwa ng websayt at napilitan kaming lumipat sa ibang host dahil ayaw ng kumpanya sa Luxembourg na baguhin namin ang aming account. Ito ang isa sa mga pinakamahirap na mga panahon na dinaranas ng PKMNph dahil kinailangang simulan muli sa umpisa ang lahat. Nagkaroon kami ng temporaryong websayt sa Forumer, ngunit lumipat na rin sa HostingPH, isang kumpanya sa Pilipinas, para maging malaya mula sa mga libreng pakulo ng ibang kumpanya. Kinailangan ng parehong sipag at tiyaga para ibangon muli ang PKMNph sa kung ano ito sa kasalukuyan. Ngayon, nananatili pa ring bumubuti ang kalagayan ng websayt habang lumilipas ang mga oras.

Ngayong kilala na kami sa pangalang PKMN-ph, ang websayt ay may bagong domain, bagong mukha at ipinapatakbo ng bagong pamahalaan. Nandito pa rin kami kahit may mga malalaking dagok dahil nais pa rin ng mga Pilipinong panatiko ng Pokemon na tumambay rito at panatilihin ang apoy ng Pokemon na buhay sa bansang Pilipinas. Ito ang PKMN-ph, patuloy pa rin ang paninilbihan para sa mga Pokemon fans, pinagkakaisa ang mga Pilipinong panatiko ng Pokemon sa buong mundo.

Ang Sitwasyon ng Pokemon sa Pilpinas
1. Pokemon Anime
Sa kasalukuyan, ang serye ng Pokemon anime ay ipinapalabas sa dalawang stasyon ng telebisyon sa bansa, ang GMA7 at ang Cartoon Network.

  • GMA 7: Lunes hanggang Biyernes (pagkatapos ng Doraemon)
  • Cartoon Network: Sabado at Linggo (9 AM)

2. Pokemon TCG/TFG
Ang mga turnamento, liga at pangyayari na ukol sa Pokemon Trading Card at Figure Game ay isinasagawa ng opisyal na tagapamahagi ng mga kard sa buong bansa, ang Neutral Grounds.

3. Pokemon Merchandise
Ang mga nakalistang mga tindahan ay nagbebenta ng iilang mga Pokemon merchandise, mula sa mga kard, hanggang sa mga statwa, mga manika, mga damit at mga poster.

  • Neutral Grounds, Toy Kingdom, Toys R’ Us, Gift Factory, Kids’ Station, Filbar’s, Comic Alley, Courtside

Anong pwedeng gawin sa PKMNph?
1. Forums
Makipagtalakayan sa mga kapwa Filipino Pokemon fans sa aming forum. Bumisita lamang sa http://forums.pkmn-ph.com, gumawa ng sariling account at pwede ka nang magsimula ng mga talakayan ukol sa Pokemon.

2. PKMNph Conference
May mga usapan na ginaganap sa Yahoo! Messenger na naka-schedule sa mga araw ng linggo na nakapaskil sa kaliwang bahagi ng websayt. Idagdag lang ang pkmnph sa listahan mo sa Y!M at pwede mo na kaming kausapin kung naka-online ang aming account.

3. Labanan sa Wi-fi
Sa kasalukuyan, ang proyektong ito ay isinasagaawa pa lamang. Ang mga miyembro ng websayt ay maaaring makipag-labanan at maki-pagtrade sa kapwa Pilipino na manlalaro ng Pokemon D/P. Pumunta lamang sa mga thread ng forums para malaman ang ibang mga detalye!

4. Magbigay Alam
Kung gusto mong magbigay ng mga sinulat mong artikulo at balita, maaari mo silang i-send sa pkmnph@gmail.com at pakisabi sa mga rangers na may ipinamahagi kang balita para maipaskil ito sa harapan ng websayt.

Opisyal na mga Holiday ng PKMNph:
April 2 – Araw ng Pagtatag sa PKMNph
May 5 – Anibersaryo ng Websayt
May 15 – Araw ng Gitling
July 29 – Araw ng Unang Pagkikita
August 28 – Araw ni Satoshi Tajiri

Opisyal na Wika ng PKMNph:
Karaniwang ginagamit ang Tagalog at Ingles sa forums ngunit may mga ibang miyembro na gumagamit ng mga iba’t-ibang diyalekto ng Pilipinas.


Huling Pagbabago: Disyembre 30, 2008

forums

Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?

17 Guests, 8 Users
Paul, Xiaobui, bian, Yi Jeong, spoonfeed04, Meryl, iPatchouli, jErry07

Kaarawan ni Kamae
Birthdays Kamae (19)

bagong posts

Re: Pokemon 5th Generation by bian (Today at 06:34:36 PM)
Re: Pokemon 5th Generation by Yi Jeong (Today at 06:33:47 PM)
Re: Pokemon 5th Generation by bian (Today at 06:31:57 PM)
Re: Your Collectibles by Yi Jeong (Today at 06:25:58 PM)
Re: Your Collectibles by jErry07 (Today at 06:24:11 PM)
Re: Your Collectibles by Yi Jeong (Today at 06:21:02 PM)

istatistiko

Please welcome jkasmut05, our newest member.

Total Members: 1083
Total Posts: 92157
Total Topics: 2454
Total Categories: 6
Total Boards: 51

mga adik mag-post